Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesDawn Chang sa pagsuporta kay VP Robredo: "Ayokong kwestyunin kung bakit ako...

Dawn Chang sa pagsuporta kay VP Robredo: “Ayokong kwestyunin kung bakit ako bumoto sa mananakaw at tax evader”

Muling nagpakita ng kanyang suporta sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo ang dancer na si Dawn Chang.

Sa kanyang tweet nitong Abril 6, ipinaliwanag ng GirlTrends member ang kanyang pagpili kay Robredo bilang susunod na presidente ng bansa.

“I’m at a stage of my life where I’m manifesting the right kind of love dahil in the next 6 years ng buhay ko, importante sakin ang kinabukasan ng magiging pamilya ko, lalo na ng magiging anak ko. I have to make the right decisions everyday big or small and choosing her as my president is the right thing to do.” ani Dawn.

“Gusto ko sabihin ng anak ko na ‘I’m proud of you mom, ang taas ng standards mo sa pagpili ng leader.’” dagdag niya pa.

Ayaw niya daw na umabot sa punto na tatanungin siya ng kanyang mga anak kung bakit siya bumoto sa isang ‘tax evader’ at “magnanakaw”.

Posibleng ang mahigpit na katunggali ni Robredo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang binabanggit ni Dawn dahil nga sa kinakaharap nitong isyu sa P203-B estate tax.

“Ayoko kahit kailan kwestyunin ng magiging anak ko na bakit ako bumuto ng magnanakaw, sinungaling, at tax evader. Hindi ko ijajustify ang mali para lang hindi ako mapahiya.” sabi pa niya.

“Now that I have a choice at meron akong kayang gawin, hindi ako mapatatahimik ng kahit na sino dahil ang laban ng ating bukas ay ngayon.” dagdag niya pa.

 

Matatandaan na sumikat si Dawn sa social media matapos itong makisawsaw sa pambabatikos na natatanggap ng dating Kapamilya host na si Toni Gonzaga na isang tagasuporta ni Marcos.

READ MORE: Dating PBB housemate Dawn Chang, binanatan si Toni Gonzaga: Paano mo nasikmurang suportahan at tulungan sila?

Burado na ang nasabing mensahe ni Dawn kay Toni sa Facebook, ngunit nilinaw ng dancer na ‘na-hack’ ang kanyang Facebook kaya ito nabura.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular