Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaSuspek sa pagkitil sa Maguad siblings, hindi daw pinagsisihan ang ginawa: Ako...

Suspek sa pagkitil sa Maguad siblings, hindi daw pinagsisihan ang ginawa: Ako ang biktima dito!

Ibinahagi ng pamilya Maguad ang kanilang sama ng loob sa suspek na kumitil sa dalawang miyembro ng kanilang pamilya noong Disyembre ng nakaraang taon.

Matatandaan na nag viral ang kaso ng pagkitil sa magkapatid na Crizzlle Gwynn at Crizville Louis dahil ang suspek ay diumano’y ampon ng pamilya Maguad na nagngangalang ‘Janice’.

READ MORE: Ampon ng pamilya Maguad na si ‘Janice’ inamin na siya ang nasa likod ng pagpaslang sa mga anak ng kumupkop sa kanya

Matapos ang mahigit na apat na buwan ay umandar na ang pagdinig tungkol sa kaso at hanggang ngayon ay may mga bagong inilalabas ang pamilya ng biktima tungkol sa ginawa diumano ni Janice at ng mga kasabwat nito.

Ikinuwento ni Lovella Maguad, ina ng mga biktima ang nangyari  sa ikapitong araw ng arraignment kay Janice.

Inireklamo ni Lovella ang posibleng pagbaba ng kaso na kakaharapin ng mga suspek dahil sa kanilang pagigiging “bata” kahit na hindi naman magagawa ng matinong tao ang ginawa nilang paraan ng pagpaslang sa kanilang biktima.

Ayon kay Lovella ay umabot ng 51 na saksak ang natanggap ni Crizville at halos maputol naman ang leeg ni Crizzlle sa ginawa ng mga suspek.

Ibinahagi din nito na walong taon na pinalaki ang suspek ng mga orphanage na accredited ng DSWD at alaga din siya ng social worker.

Apat na buwan din itong nailagay sa rehabilitation center matapos mangyari ang pamamaslang ngunit walang makita ang pamilya Maguad na bahid ng pagsisisi kay Janice.

“Naka cross legs sa loob ng trial court at taas noong patingin tingin at lumulisik ang mga mata sa paligid.” ani Lovella.

“Yung ipinakikita nyang kabaitan at paging magalang were all scripted Kasi sa pangatlong beses na pagkikita namin ni hindi man lng nag greet sa amin o nagmano as she used to do.

“O nagpapakita ng pagsisi o humingi ng tawad. Walang remorse. Para gusto pa niyang ipakita sa amin na kami ang may kasalanan. Ano ba ang treatment na binigay sa loob ng facility sa kanila? Yun ba ay nagbibigay ng opportunity for them to realize o reflect na MALI ang kanyang ginawa,”

Ipinipilit din daw ni Janice na siya ang ‘biktima’ sa nangyari.

Idinagdag pa nito na buhay pa sana ang isa sa mga anak niya kung hindi nagpanggap si Janice na humihingi ng tulong.

“Ang sabi pa niya hindi daw siya nag sisi at pinanindigan na siya ay BIKTIMA.

“Biktima ba Ang tawag mo sa kanya na kung tutuusin nakalabas na po sana sa bahay si ate pero binalikan pa niya si Girl at inaakay – coz she’s acting a victim din- na maglabas na silang dalawa para humingi ng tulong.”

Sinisi din nito ang DSWD kaya’t tila naniniwala na rin si Janice na siya nga ay biktima.

“Bakit gusto niyang tawagin siyang BIKTIMA? Kasi Yun po ang orientation ng DSWD na ang mga bata na papasok sa facility ay BIKTIMA. Biktima ba siya sa kanyang ginawa?” tanong ni Mrs. Maguad.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular