Friday, September 30, 2022
HomePoliticsRowena Guanzon tinanong kung makakasuhan ba siya kung hahamunin niya ng 'suntukan'...

Rowena Guanzon tinanong kung makakasuhan ba siya kung hahamunin niya ng ‘suntukan’ si BBM

Pinaulanan ng batikos ni dating Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang mga tweet, inungkat ni Guanzon ang hindi diumano pagiging college graduate ni Marcos na tinawag niyang b***.

“Pumasa ba sila sa UPCAT ? Dudugo utak nila dun. Yabang nyo! Saan ba kayo nag graduate? Hindi nga nag college grad si #BBMBOBO,” ani Guanzon.

Nagbigay din ito ng reaksyon sa delivery rider na kinasuhan ng kampo ni Marcos dahil sa pagbabanta nito sa buhay ng presidential candidate.

Tanong niya, makakasuhan din ba siya kung hamunin niya ng suntukan si Marcos.

“If I challenge BBM Narcos to a suntukan in the UP sunken garden is that a crime?” tanong ng dating commissioner.

Ilang netizens naman ang nagbigay ng kanilang reaksyon sa mga tweet ni Guanzon.

“I don’t think there is a need to put people down just because you graduated from a prestigious school and many did not.” sabi ni @auie_GI.

“What constitutes a crime mami? If it’s an influential person like yourself, they will hesitate to even file a case. But if it’s an ordinary filipino, they are quick to apply justice.” komento naman ni @JV21082.

“He won’t win ma’am. Not in a million years! You can even put a blindfold on and still knock the guy down easy peasy.” tweet naman ni @DIESELJOBI.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular