Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesRez Cortes, Vivian Velez, at iba pang artista binuo ang Bayad Buwis...

Rez Cortes, Vivian Velez, at iba pang artista binuo ang Bayad Buwis Movement (BBM): “Walang kulay dito, welcome lahat!”

Matagumpay na nabuo nila Vivian Velez, Rez Cortez at iba pang artista ang Bayad Buwis Movement o BBM nitong Marso 31.

Sa nasabing pagtitipon na dinaluhan ng mahigit 3,000 katao sa Quezon City Memorial Circle, pinag usapan ang P203-B na utang na buwis ng pamilya Marcos.

Ayon kay Velez ay walang kulay ang kanilang grupo at gusto lamang nila na magbayad ng tamang buwis ang mga Marcos.

Ang sigaw nila ay “Buwis bayaran! Buwis bayaran!”

Ayon kay Velez ay hindi nila nagugustuhan ang ginawa ni Marcos dahil silang mga artista ay nagbabayad ng tamang buwis.

“Kaming mga artista nagbabayad din ng tamang buwis, tulad din ng ibang prospesyon. Kaya dapat ‘di manalo ‘yung may utang na P203 billion!” sabi pa ng dating aktres.

Hinihimok din ng grupo ang iba pang artista na sumali na sa nasabing grupo.

Inaasahan naman na mas dadami pa sila sa mga susunod na rally.

“Iba naman talaga ang boses ng nasa entertainment industry. Talagang nakakatawag-pansin so sana marami pa tayong makasama sa mga next rally!” ani Velez.

Matatandaan na sumusuporta si Velez at Cortez kay presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Ngunit itinanggi ng nasabing grupo na mayroon silang ineendorso na presidential candidate.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa binuong grupo nila Velez.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular