Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaPinatalsik niyo na yan eh! Dr. Tony Leachon, dismayado sa pagdikit ni...

Pinatalsik niyo na yan eh! Dr. Tony Leachon, dismayado sa pagdikit ni Juan Ponce Enrile kay BBM

Hindi maitago ni Dr. Tony Leachon ang pagkadismaya niya kay dating senate president Juan Ponce Enrile dahil sa pagkampi muli nito sa pamilya Marcos.

Sa kanyang tweet, ipinaalala ni Leachon na isa si Enrile sa mga mataas na opisyal ng gobyerno na nanguna sa EDSA Revolution na nagpatalsik kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“JPE led the EDSA revolution with FVR – & now he’s defending and supporting BBM. Paradox of life. Unbelievable.” ani Leachon.

Matatandaan na naging Defense Secretary ng administrasyong Marcos si Enrile.

Ngunit noong 1986 ay nanguna si Enrile sa kudeta laban sa mga Marcos.

Matapos ang ilang dekada ay nanumbalik naman ang maayos na relasyon sa pagitan ni Enrile at ng mga Marcos.

Nitong nakaraang araw lamang ay nagprisinta ang dating senate president na maging abogado ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa usapin sa 203-B pesos estate tax.

“Walang issue. Kasuhan mo si Bongbong? Eh tatawanan ka. Mag-presenta sana ako na maging abogado niya at dalhin nila lahat ng magagaling na mga abogado dyan,” ani Enrile.

“Hindi naman ako nagyayabang, nag-practice ako ng law. Lahat ng klaseng trial na hinawakan ko na, nasa record ng Pilipinas ‘yan. Wala pa akong natalong kaso,” dagdag niya pa.

Ayon kay Enrile ay pinapalitan niya lamang ang kabutihan na ipinakita sa kanya ng ama ni BBM.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular