Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaPari, tinanggal muna bilang kura paroko dahil sa pagtakbo nito bilang konsehal

Pari, tinanggal muna bilang kura paroko dahil sa pagtakbo nito bilang konsehal

Isang pari ang nakatanggap ng suspensyon dahil sa pagtakbo nito sa posisyon sa gobyerno ngayong halalan 2022.

Inanunsyo ng Diocese ng Sorsogon na si Bishop Jose Alan Dialogo ang suspensyon ni Fr. Emmanuel Alparce nitong Abril 4.

Ayon kay Dialogo ay nilabag ni Fr. Alparce ang Code of Canon Law 285 kung saan sinasabi na hindi maaring sumali sa politika o maupo sa isang posisyon sa gobyerno ang mga pari.

“The “Directory” further states that the “reduction of a priest’s mission to temporal tasks, of a purely social or political nature, is foreign to his ministry, and does not constitute a triumph but rather a grave loss to the Church’s evangelical fruitfulness.” Thus, the Code of Canon Law forbids clerics to assume public offices which entail a participation in the exercise of civil power (Can. 285 $3). Instead, clerics are encouraged “always to foster the peace and harmony based on justice which are to be observed among people and not to have an active part in political parties” (Can. 287 $1 & 82).” ayon sa sirkular na ipinamahagi ni Alparce.

Fr. Emmanuel Alparce

Ginawa ang suspensyon kay Alparce upang hindi nito magamit sa kanyang ambisyon sa politika ang simbahan.

Binigyan naman daw ng sapat na oras ang pari na umatras sa kanyang kandidatura ngunit mas ginusto nito na ituloy ang kanyang pagtakbo.

“Alparce was given ample time (until March 25, 2022, the start of the official local campaign) to withdraw his candidacy. He has been warned that if he does not reform and continue(s) to give scandal because of his participation to the local elections, he can be progressively punished by deprivations, or even by dismissal from the clerical state,” sinabi pa ng Obispo.

Tumatakbo bilang konsehal ng bayan ng Bacacay sa Albay si Alparce.

Wala pang pahayag ang suspendidong pari sa desisyon ng simbahan.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular