Monday, October 3, 2022
HomeSocial MediaOpisyal ng Pulse Asia, sinabing posibleng mahirapan ng makahabol ang kalaban ni...

Opisyal ng Pulse Asia, sinabing posibleng mahirapan ng makahabol ang kalaban ni BBM

Naniniwala ang Pulse Asia Research Director na si Ana Tabunda na maaring mahirapan nang makahabol sa survey ratings ang mga katunggali ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam sa kanya nitong Miyerkules sa ANC, sinabi ni Tabunda na bumaba man ng apat na puntos ang rating ni Marcos ay hindi ito lubos na makakaapekto sa kandidato.

Hindi rin daw naapektuhan ng mga isyu na ibinato kay Marcos ang rating nito.

Matatandaan na inuulan ng akusasyon ng pagnanakaw at hindi pagbabayad ng tamang buwis ang dating senador.

“His (Marcos) decline in is not significant nationwide,” ani Tabunda.

Malabo rin daw na mahabol pa ni Robredo si Marcos sa ratings.

“No (she can’t catch up) because the increase is not enough,” sabi pa ni Tabunda na isa ring propesor ng School of Statistics, UP Diliman.

“It’s difficult to say but there has to be a larger decline in the voter preference and larger increases in Robredo’s preference votes for her to be able to catch up,” dagdag niya.

Mahirap na daw talagang mahabol pa ang 32 percentage points na namamagitan kay Robredo at Marcos.

“The gap between them is 32 percentage points, so if Bongbong Marcos loses 16 points and Leni Robredo gains 16 points. They will be statistically tied. So, you need a larger than 16 points decline for Bongbong Marcos and a larger than 16 points increase for Leni Robredo,”  sabi pa ni Tabunda.

Ayon sa survey ng Pulse Asia ay nakakuha ng 24 porsyento si Robredo habang si Manila City Mayor Isko Domagoso ay Nakakuha ng 8%. Si Senator Manny Pacquiao, ay Nakakuha naman ng 6%, habang si Senator Panfilo Lacson ay mayroong 2%.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular