Friday, September 30, 2022
HomePoliticsNakakahiya! Ping Lacson, binatikos ang pamanang P12.09-T na utang ni Pres. Duterte...

Nakakahiya! Ping Lacson, binatikos ang pamanang P12.09-T na utang ni Pres. Duterte sa susunod na henerasyon

Binatikos ni presidential candidate Sen. Ping Lacson ang iiwanan na utang ng bansa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Lacson sa panayam sa kanya ng isang radio station nitong Abril 6, nakakahiya bilang isang opisyal ang mag iwan ng utang na aabot sa trilyon trilyong piso.

“Yung utang natin pagbaba ni [late former President Benigno Aquino III in] 2016, P5.9-trillion. Ngayon magkano? P12.09-trillion and counting. Ang projection nga bago mag-June 30 nasa mga P13.4-trillion tayo,” ani Lacson.

“So, ito ‘yung ipapamana natin sa susunod na generation. ‘Di ba, nakakahiya itong generation natin na sa halip na pamanahan natin ‘yung mga susunod na generation ng magandang Pilipinas, utang ‘yung ipapamana natin? Parang ang hirap naman yatang dadalhin natin sa libingan natin ‘yung legacy natin ay utang,” he added.

Nagbigay din ito ng opinyon tungkol sa pagtakbo ng anak ni Pangulong Duterte na si vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

“Well, are we better off in the last six years? That is the question. Do we want a continuance of what we’re having in the last six years? Were we able to uplift the economy of government? Na-uplift ba ‘yung buhay ng tao? Last year P4-trillion ang budget; ngayon, P5-trillion ang budget. Natikman niyo ba? Nakatikim ba kayo?” tanong ni Lacson.

“Kung ang sagot ninyo doon ay ‘oo’, e ‘di ituloy ninyo. Pero kung ang sagot niyo roon ay “hindi”, aba, teka muna, dito na tayo sa nakasisiguro tayo na may magagawa,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Malacañang sa panibagong banat ni Lacson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular