Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesIna ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco, humingi ng tulong para...

Ina ni Jake Zyrus na si Raquel Pempengco, humingi ng tulong para sa pumanaw na nanay at kapatid: Hindi na nagpaparamdam si Jake!

Kahit na nahihiya ay humingi na ng tulong ang ina ni Jake Zyrus o mas kilala noon bilang si Charice Pempengco na si Raquel Pempengco sa publiko.

Ito’y dahil sa biglaang pumanaw ang dalawang miyembro ng kanilang pamilya na si Tes Pineda Relucio, lola ni Jake at ang tiyuhin din ng singer na si Robert Pineda Relucio.

Ayon kay Raquel ay hindi na nagising si Tes nitong Abril 3, habang naaksidente naman sa motor si Robert Abril 6.

Dahil dito ay hindi na alam ni Raquel kung saan kukuha ng panggastos sa dalawa nilang pumanaw na kamag-anak.

Nakadagdag din ng problema ang hindi pagpansin sa kanila ni Jake na naninirahan na daw ngayon sa Amerika.

Inamin din nito na matagal na silang hindi nag uusap kaya naman ginamit niya na lamang ang panayam sa kanya ng Philippine Entertainment Portal upang maiparating ang panawagan niya sa anak niya.

“Tulungan niya sana ako at hindi ko kakayanin. Ako lang ang inaasahan ng pamilya ko,” ani Raquel.

Matatandaan na huling beses na pinag usapan si Jake dahil sa pagmamalaki nito sa kanyang transformation bilang isang ‘transman’.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,” ani Jake sa kanyang Instagram post nitong Pebrero.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang singer kung tutulungan niya ba ang kanyang ina sa gastusin.

Noon pa lamang ay tila hindi na maganda ang relasyon ng mag-ina simula ng ilahad ni Jake ang tunay niyang pagkatao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular