Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesBriton may mensahe kay Manny Pacquiao: "I don't believe you have a...

Briton may mensahe kay Manny Pacquiao: “I don’t believe you have a chance of winning as President”

Isang Briton na sinabing fan ni presidential candidate Sen. Manny Pacquiao ang naglikha ng isang open letter para sa pambansang kamao.

Sa kanyang post nitong Miyerkules, Abril 6, sinabi ni Malcolm Conlan na nasasaktan siya sa mga nababasa niyang komento mula sa mga netizens na bibatikos ang pambansang kamao dahil sa pagtakbo nito sa pagkapangulo.

Ilan sa mga ikinalungkot nito ay ang pagiging viral ng paliwanag ni Pacquiao tungkol sa magiging ‘foreign policy’ nito kung siya ang maging susunod na pangulo ng bansa.

Ngunit naniniwala naman siya na madami paring Pilipino ang nagbibigay ng respeto sa pambansang kamao lalo na’t marami itong naitulong sa kapwa niya.

“I know that the overwhelming majority of Filipinos love you and respect you for all you have done and continue to do for Filipinos. You have helped so many people, most especially the poor and maligned and deserve every single honour, accolade and credit for your outstanding philanthropic efforts.” ani Conlan.

Naniniwala naman si Conlan na mas maganda kung gamitin nalang ni Pacquiao ang perang inuubos nito sa kampanya para makatulong sa mga tao sa ibang paraan.

“With only the greatest respect sir Manny, as an outsider looking in, but with a Filipino family and heart, I strongly believe that every single centavo you spend on election campaigning is a centavo that would be better spent on continuing in your advocacy to help Filipinos. ” mungkahi ni Conlan.

Sinabi din niya na hindi naman kailangan maging basehan ang kaalaman ni Pacquiao sa salitang ingles para mamuno ito.

Pero sinabi rin nito na dapat ay hindi na maghintay ang pambansang kamao ng ‘sign’ mula sa Panginoon dahil kung titignan ang mga survey ay hindi talaga siya mananalo sa pagkapangulo.

“I know you are waiting for a sign from God. I am a Christian myself and know from personal experience that God doesn’t always talk to you personally, like you don’t hear his actual voice, but there are signs and circumstances that I believe is God’s way of talking to you.” sabi pa niya.

“I believe that the signs are there for you to continue your mission in other ways than running for President. I care for you and respect you, but I honestly don’t believe you have a chance of winning as President at the present time, not based on your ability to speak English, but based instead on the surveys, combined with social media comments, feelings of Filipinos etc that I see online.” dagdag pa nito.

Umaasa naman na balang araw ay magiging pangulo nga ng Pilipinas si Pacquiao ngunit naniniwala siya na hindi pa ngayon ang panahon para sa pambansang kamao.

 

Sa ngayon ay mayroon ng 179 reactions ang nasabing post.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular