Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesVivian Velez, tinawag na mayabang si BBM: "Akala niya panalo na siya!"

Vivian Velez, tinawag na mayabang si BBM: “Akala niya panalo na siya!”

Hindi napigilan magbigay ng pahayag ng Director General of Film Academy of the Philippines na si Vivian Velez sa nangyaring kontrobersiya sa UniTeam rally sa Bukidnon.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang tila hindi pagpansin ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Bukidnon Governor Jose Marie Zubiri Jr. na ilang beses sinubukan abutin ang kanyang kamay.

Ayon kay Velez ay ipinahiya ni Marcos ang nakatatandang Zubiri na inendorso siya sa Bukidnon.

Dito daw makikita kung paano daw tratuhin ni Marcos ang mga tao at local officials.

Tinawag din ni Velez na mayabang si Marcos dahil sa akala nito’y panalo na siya dahil sa mataas niyang rating sa mga survey.

“Exactly how Marcos Jr treats people. He uses local officials when needed and disposes of them when they’re done. The monster is out of the cage.” ani Velez na kilalang tagasuporta ni Manila City Mayor Isko Moreno.

“Yumabang na kasi, akala nya panalo na siya hahaha. Local officials and allies should learn from this and drop him.” dagdag niya pa.

Matatandaan na tinawag na ‘malisyoso’ ni Sen. Migz Zubiri ang pagpapakalat ng nasabing larawan.

READ MORE: Migz Zubiri, tinawag na ‘malisyoso’ ang pagpapakalat ng video ng hindi pagtaas ni BBM sa kamay ni Jose Zubiri

“The truth is it’s just a simple miscommunication between my Father and BBM on the sequence of events, which is that, after BBM speaks, he was supposed to wave the flag and then raise the hand of the local parties. Which he did, after he waved the flag. Obviously there is a malicious intent to create intrigue by only showing that particular portion of the video and omitting totally the second portion of that sequence of events.”ani Zubiri.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular