Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesPimentel, naniniwala na magiging pangulo si Manny Pacquiao kahit mababa ito sa...

Pimentel, naniniwala na magiging pangulo si Manny Pacquiao kahit mababa ito sa survey: “We still have a chance.”

Naniniwala si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na mananalo ang kanyang kaalyado na si presidential candidate Sen. Manny Pacquiao sa darating na halalan.

Ito’y kahit na mababa ang nakukuhang rating sa mga survey ni Pacquiao.

“Alam pa rin namin ngayon that we still have a chance. I call it a narrow path to victory but still it is there,” ani Pimentel sa panayam sa kanya ng ANC Headstart.

Ipinaliwanag ni Pimentel na mayroong bagong pamamaraan ang mga survey firms sa pagkuha ng survey.

Ayon sa kanya ay maaring hindi naabot ng mga survey firms ang mga mahihirap na populasyon na diumano’y karamihan ay mga tagasuporta ni Pacquiao.

“I’ve lost my trust on surveys. Number two, this is pandemic times, there must have been a new method in doing a survey during pandemic. Maybe, taking advantage of technology,” paliwanag ni Pimentel.

“But then our people who belong in the D and E segments of society, definitely, even if you say technology, …(there) are the less technology-influenced people,” dagdag niya pa.

Kung matalo man si Pacquiao ay irerespeto naman daw nila ang desisyon ng taumbayan ngunit hindi sila naniniwala na kailangang umatras ng kanilang pambato.

“We will respect his decision and if he says right now that there is no way that he will withdraw, then we are with him. We never foresaw that he would be withdrawing when we joined him from Day 1,” ani Pimentel.

Matatandaan na sinabi ni Pacquiao na aatras lamang siya sa pagtakbo sa pagkapangulo kung bibigyan siya ng senyales ng Panginoon.

READ MORE: Pacquiao, sinabi na aatras lamang siya sa isang kondisyon: “Pag may instruction ang panginoon sa akin

“’Pag may conviction, may pinakita sa akin ang Panginoon, mag-withdraw ako kahit na two days before election o one day before election, pag may instruction ang panginoon sa akin, susundin ko,” ani Pacquiao.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular