Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaLalaki na nagbanta diumano sa buhay ni BBM, pinagmumulta ng P72,000 ng...

Lalaki na nagbanta diumano sa buhay ni BBM, pinagmumulta ng P72,000 ng korte

Pinagmumulta ng P72,000 ang delivery rider na nagbanta diumano sa buhay ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa rekomendasyon ng Office of the Prosecutor General (OPG) haharap sa reklamong grave threats na saklaw ng Cybercrime Law si Michael Go.

“Grave threat is a crime against public security,” ayon sa pahayag ng OPG.

“Article 282 penalizes any person who shall threaten another with the infliction upon the person, honor, or property of the latter or of his family of any wrong amounting to a crime,” dagdag pa nila.

Nirekomenda nila na kailangan munang magbayad ng P72,000 bago nito makuha ang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kaso laban sa kanya.

Inaakusahan si Go na nagmamay-ari ng account na @activistblogger na naglabas ng tweet na nagbabanta sa buhay ni Marcos.

Tweet mula kay Michael Go (@activistblogger)

Ngunit ayon sa delivery rider ay hindi siya ang nagmamay-ari ng nasabing Twitter page.

Ito rin ang sinabi ng mga kamag-anak ni Go at sinabi na nag-tweet pa ang account na @activistblogger kahit na hawak na ng mga otoridad ang delivery rider.

READ MORE: Delivery rider na hinuli dahil sa pagbabanta kay BBM, maling tao ayon sa ilang netizens

Dahil dito ay humingi ng tulong ang kapatid ng suspek sa mga netizens upang makumbinsi ang kampo ni BBM na hindi ang delivery rider ang nagbanta sa kandidato.

Ilang netizens naman ang binatikos ang kampo ni BBM dahil sa pagsasampa nila ng kaso laban kay Go.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular