Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsKampo ni Pacquiao, itinanggi na nagtatago ang kanilang kandidato matapos nitong ilahad...

Kampo ni Pacquiao, itinanggi na nagtatago ang kanilang kandidato matapos nitong ilahad ang ‘foreign policy’ niya sa debate

Mariing itinanggi ng kampo ni presidential candidate Manny Pacquiao na nagtatago sa publiko ang kanilang manok sa halalan matapos mag viral sa social media ang performance nito sa round 2 ng PiliPinas Debates.

Matatandaan na umabot ng milyon milyong views sa social media ang tila paputol putol na paliwanag ni Pacquiao tungkol sa magiging foreign policy niya kung sakali na maging Pangulo.

Dahil dito ay naniniwala ang ilang netizens na hindi pa handa si Pacquiao na pamunuan ang bansa.

“Yung independent foreign policy, we will be a friend to all nations, and America’s best friend.” ani Pacquiao.

“And also, we will not allow ourselves to be bullied by other country.. and not also… Even in our square inch… square inch ¬†land and also would be given up to them and we… will fight because we are Filipino… and also third, I mean, that’s the third… that’s enough po,”¬†dagdag pa nito.

Ayon naman sa tagapagsalita ni Pacquiao na si Ron Munsayac, hindi nagtatago ang pambansang kamao sa publiko at inaasikaso lamang daw nito ang mga ‘private meetings’ niya.

“Hindi naman po nawawala si Senator Pacquiao, kundi napakarami po n’yang meetings. Kasi ang isang kampanya ay hindi lang naman ito puro motorcades o rallies. Pero marami dito ay meetings with your leaders,” ani Pacquiao.

Sinabi ni Munsayac na umaabot sa 20 meetings ang dinadaluhan ni Pacquiao kada araw.

Ibinagi rin nito na kumpiyansa silang mananalo si Pacquiao sa eleksyon.

“We are extremely confident na mananalo si Manny Pacquiao as president… Kita n’yo naman ang dami ng mga tao, kahit saan magtungo si Manny Pacquiao, dinudumog po talaga,” ani Munsayac.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular