Friday, September 30, 2022
HomePoliticsJuan Ponce Enrile nag prisinta na maging abogado ni BBM sa estate...

Juan Ponce Enrile nag prisinta na maging abogado ni BBM sa estate tax: “Wala pa akong natalong kaso”

Inalok ni dating senate president Juan Ponce Enrile ang kanyang serbisyo sa pag-aabugasya kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa gitna ng kontrobersiya na kinakaharap nito dahil sa P203-B estate tax na sinisingil sa kanila.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Enrile na isang ‘tax expert’ ay dapat kunin ng mga kritiko ni Marcos ang mga pinakamagagaling na abogado pagdating sa usaping buwis dahil maari silang mahirapan na mapatunayan ang kanilang akusasyon laban kay Marcos.

Naniniwala si Enrile na kahit ang magagaling na abogado ay kaya niyang matalo sa korte.

“Walang issue. Kasuhan mo si Bongbong? Eh tatawanan ka. Mag-presenta sana ako na maging abogado niya at dalhin nila lahat ng magagaling na mga abogado dyan,” ani Enrile.

“Hindi naman ako nagyayabang, nag-practice ako ng law. Lahat ng klaseng trial na hinawakan ko na, nasa record ng Pilipinas ‘yan. Wala pa akong natalong kaso,” dagdag niya pa.

Matatandaan na ibinabato ngayon ng mga katunggali ni BBM ang P203-B na estate tax na utang diumano ng pamilya Marcos.

Ngunit paliwanag ni Enrile, tax ito ng estate ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at hindi ng kanyang mga naiwan.

“Iyong estate tax, ‘estate’ tax nga eh, buwis ng estate at hindi buwis ni Bongbong. Hindi buwis ni Imelda. Hindi buwis ni Imee or ni Irene. Buwis ng estate ni Presidente Marcos,” sabi pa ng dating senador.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni BBM sa alok ni Enrile.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular