Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJohn Arcilla: "Mas mapapatawad ko yung mahihirap na napilitan magnakaw"

John Arcilla: “Mas mapapatawad ko yung mahihirap na napilitan magnakaw”

Nagbigay ng paalala ang aktor na si John Arcilla sa mga botante ngayong darating na halalan.

Sa kanyang Facebook post, hiniling ni Arcilla sa mga botante na iligtas ang bayan mula sa mga opisyal na patuloy na nagnanakaw sa kaban ng bayan.

Ayon sa kanya ay mapapatawad niya lamang ang isang magnanakaw kung ito’y nagawa niya dahil sa hirap ng buhay.

Ngunit ang mga opisyal ng gobyerno na mataas ang pinag aralan ngunit pilit paring kumukupit sa kaban ng publiko ay walang kapatawaran.

“Mas naiintindihan ko pa at mapapatawad yung mga mahihirap na napilitan magnakaw dahil sa gutom at kagipitan kesa dun sa mga taong may mataas na pinag-aralan at katungkulan pero nagnanakaw sa bayan.” ani Arcilla.

“Botante ka? Iligtas mo ang bayan natin. Hindi po ako kandidato, nagpapaalala lang.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay sinusuportahan ni Arcilla ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.

Matatandaan na katunggali ni Robredo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nahaharap sa patong patong na akusasyon ng pagnanakaw at hindi pagbabayad ng tamang buwis.

Hindi naman malaman kung si Marcos nga ba ang pinaparingan ni Arcilla na nakilala sa kanyang role bilang si Heneral Luna.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular