Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBasketball Coach Yeng Guiao, inaming biktima ng Martial Law: "Paano naging maganda...

Basketball Coach Yeng Guiao, inaming biktima ng Martial Law: “Paano naging maganda ang Martial Law?”

Inamin ng PBA coach na si Yeng Guiao na nagtataka siya sa positibong pananaw ng mga netizens ngayon tungkol sa Martial Law noong administrasyong Marcos.

Sa panayam sa kanya, sinabi ni Guiao na isa siya sa mga biktima noon ng pagmamalupit noong martial law.

Ayon sa kanya ay mga hinuhuli noon ang mga militar kahit na wala namang kasalanan o ‘yung mga kumokontra lamang sa administrasyong Marcos.

“Martial Law victims kami. Ang tatay ko, on the second day of Martial Law, hinuli ng military. kinulong. On the first day of Martial Law, ni-raid ang bahay namin, September 21, 1972. l was twelve or thirteen years old, traumatic.. Kaya nagtataka ako kung bakit sinasabi maganda raw ang Martial Law,” ani Guiao.

“Paano naging maganda ang Martial Law kung walang kasalanan ‘yung tao tapos ikukulong mo na lang? Because he was political opposition. Ibig sabihin kapag ba magkaiba tayo ng politika, puwede mo na ako ikulong?” dagdag niya pa.

Samantala ay nagpakita naman ng suporta si Guiao sa kandidatura ni vice president Leni Robredo na mahigpit na karibal ngayon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na nangunguna ngayon sa mga survey si Marcos kaya naman maraming miyembro ng oposisyon ang kinakabahan na baka maulit muli ang kalupitan ng Martial Law sa Pilipinas.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular