Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesAbogado, may hirit kay Lito Atienza: "Kung sa palagay mo mananalo si...

Abogado, may hirit kay Lito Atienza: “Kung sa palagay mo mananalo si Manny, hindi ba tayo mas pagtatawanan?”

Isang abogado ang sinagot ang mga pahayag ni vice presidential candidate Lito Atienza na sinabi na magiging katatawanan sa buong mundo ang Pilipinas kung ihahalal ng taumbayan si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang susunod nilang pangulo.

Sinabi ito ni Atienza sa panayam sa kanya ng CNN Philippines.

“To me, a Marcos comeback is totally, totally unthinkable. I don’t want the Filipinos to be the laughing stock of the whole world. Sinipa ninyo, ngayon kinuha niyo ulit,” sabi ng representative ng BUHAY Party-list.

Pero naniniwala si Atty. Bruce Rivera na maaring mas maging katatawanan ang Pilipinas kung ang ka-tandem ni Atienza na si Sen. Manny Pacquiao ang mahalal bilang pangulo.

“Una, kelan ba tayo hindi pinagtatawanan. Mahirap na bansa tayo. That is the reality. Pinagtawanan na tayo dati when we elected Duterte. But why should we give premium to that. Tayo ang Pilipino, hindi sila. Mas alam natin ang bansa natin kesa kanila. When that matters to you, dun ka tumakbo.” ani Rivera.

“Pangalawa, VP ka ni Manny. Kung sa palagay mo mananalo si Manny, hindi ba tayo mas pagtatawanan? Isipin mo nga sinasabi mo.” dagdag niya pa.

Ayon din kay Rivera ay marami ng nagbago sa mundo simula ng maalis ang ama ni BBM na si dating pangulong Ferdinand Marcos.

“People who would laugh at the Philippines are at most, stuck in history. In 1986 when we removed FM, The USSR still existed, China was not a superpower, Ukraine is not a state, Yugoslavia and Czechoslovakia are still states, Duvalier of Haiti and Fidel Castro are still in power and there is still no pivot to Asia.” sabi pa niya.

Sa ngayon ay wala pang sagot si Atienza sa banat sa kanya ni Rivera.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular