Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaTricia Robredo, binatikos dahil sa pamimigay diumano ng 'Anti-Marcos' leaflets sa mga...

Tricia Robredo, binatikos dahil sa pamimigay diumano ng ‘Anti-Marcos’ leaflets sa mga botante

Tumaas ang kilay ng ilang mga netizens matapos kumalat sa social media ang ilang larawan ng anak ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo na si Tricia na diumano’y namimigay ng anti-Marcos leaflets.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Tricia ang mga larawan ng kanilang house-to-house campaign sa Barangay Baesa, Quezon City.

Napansin ng ilang netizen ang hawak hawak na leaflet ng isa sa mga binisita ni Tricia na residente ng Baesa at makikita dito ang mga mensahe ng pambabatikos laban sa karibal ni Robredo na si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa nasabing leaflet ay makikita ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinawag niya si Marcos na ‘weak leader’.

Makikita din ang pagtawag kay Marcos na ‘The Lying King’ at ang isyu na kinakaharap ngayon ng dating senador sa pagbabayad ng buwis.

Isa si RJ Nieto o mas kilala bilang Thinking Pinoy sa mga nagbahagi ng nasabing larawan at tinawag niya ang ginawa ni Tricia na “not very smart.”.

Matatandaan na nitong nakaraang buwan lamang ay hinimok ni Tricia ang mga followers nila na tumigil na sa negative campaigning.

“Hindi maco-convert lahat pero lumalapit pa rin para bumati, lalo na dahil nakikidaan lang tayo sa lugar nila. Nung lumapit ako kay Nanay, she was pleasant & she even greeted back. Pahabol niya, ‘hindi tayo ang nag-aaway,’” kwento ni Tricia matapos siyang makipagusap sa isang tagasuporta ni Marcos.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa mga leaflets na ipinamahagi ni Tricia.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular