Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaSen. Ping Lacson, tinawag na “boring” ang round 2 ng presidential debates...

Sen. Ping Lacson, tinawag na “boring” ang round 2 ng presidential debates ng COMELEC

Mismong si presidential candidate at Sen. Ping Lacson ang bumatikos sa dinaluhan niyang Commission on Elections (COMELEC) sponsored debate na ginanap kahapon, Abril 3.

Sa kanyang tweet tinawag na “boring” ni Lacson ang nasabing debate dahil sa paraan ng pagtatanong sa mga kandidato tungkol sa mga isyu ng bansa.

Minsan pa nga daw ay hindi malinaw sa publiko kung ano nga ba ang tinatanong sa mga kandidato kaya naman hindi maiwasan ni Lacson na mapaisip na nabagot lamang ang mga nanood ng nasabing debate.

“The COMELEC debate last night wasn’t as exciting as most people who watched would have wanted. Questions were not direct nor specific, even unclear sometimes. Translation: Boring.” ani Lacson.

Pabor naman ang ilang netizens sa sinabing ito ni Lacson.

“Some debate rules also were quite confusing as well. Your rebuttal for instance was responded by another participant, instead of the ones that expressed something about.” sabi ni netizen @IamVhicldano.

“Yes sir. Wished you attended SMNI debate instead it was something worth watching. Regardless of your issue with the owner u must admit that it was a good exposure for your platforms. We appreciate Abella and Gonzales coz of SMNI debate,” mungkahi naman ni netizen @msjeheny1.

Kahit ang moderator ng PiliPinas Debates na si Ces Oreña-Drilon ay hindi nakaligtas sa pambabatikos ng mga netizen.

“And we don’t like how ces drilon handle the questioning,” sabi ni @pharaselga.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang COMELEC sa sinabi ni Lacson.

Matatandaan na ipinagmalaki pa noon ng COMELEC na magiging mas “exciting” ang ikalawang round ng nasabing debate dahil daw sa bagong format na kanilang naisip.

Ngunit tila hindi lahat ng netizens ang ikinatuwa ang naging ideya ng COMELEC, kasama na dito si Lacson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular