Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesRobin Padilla, hindi mapigilan maging emosyonal sa papatapos ng termino ni Pangulong...

Robin Padilla, hindi mapigilan maging emosyonal sa papatapos ng termino ni Pangulong Duterte: “Naiyak ako”

Hindi mapigilan ni senatorial candidate Robin Padilla na maging emosyonal lalo na’t papalapit na ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Padilla ang kanyang paghanga sa Pangulo na kanyang sinuportahan simula ng mangampanya ito anim na taon na ang nakararaan.

Ayon kasi kay Padilla ay tila kulang ang anim na taon para sa presidente na katulad ni Duterte.

“Listening to Mayor PRRD is the most beautiful and rewarding part of my revolutionary life mga aral sa buhay at serbisyo ang marinig sa kanyang bawat kuwento at paalala,”  ani Padilla.

“May pagkakataon din na naiyak ako. Hindi sa lungkot kundi sa panghihinayang. How can we let this man leave office. 6 years is not enough for a good a leader,” dagdag niya pa.

Ikinumpara din ni Padilla ang termino ni Duterte sa isang magandang panagnip.

“Nanaginip Lang po ba ako ng maganda? Maraming Maraming salamat po mayor sa 6 taon na katuparan ng aking mga pangarap sa Inangbayan. Napakabuti at napakagaling niyo po na ama ng mga Pilipino,” sabi pa ng kilalang action star.

Matatandaan na nitong 2016 ay binigyan ng ‘absolute pardon’ ni Duterte si Padilla na nagpapanumbalik ng civil at political rights ng aktor.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular