Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaPari na nakitang nakagapos sa loob ng sariling sasakyan, ilang araw na...

Pari na nakitang nakagapos sa loob ng sariling sasakyan, ilang araw na daw tila malalim ang iniisip

Unti unti ng nagkakaroon ng impormasyon tungkol sa nangyari sa kura paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary-Reina de Caracol ng Rosario, Cavite na si Rev. Fr. Leoben Peregrino.

Matatandaan na nakita na nakagapos sa loob ng kanyang sariling sasakyan si Peregrino sa hindi malaman na kadahilanan.

Bago ito mawala ay mag isang ginamit ng pari ang kanyang sasakyan na ayon sa mga pulisya ay dumaan sa iba’t ibang lugar sa Cavite.

Sa mga CCTV footage na inilabas ng Cavite PNP, makikita ang mga nadaanang lugar ng pari bago ito ideklarang nawawala nitong Abril 1.

Makikita ang pagdaan ng sasakyan ng pari sa Barangay Tejeros Convention sa Rosario papuntang General Trias City, Cavite.

Nahagip din sa CCTV ang pagdaan ni Peregrino sa General Trias City cockpit arena na kinokonsiderang shortcut ng mga motorista upang hindi sila maipit sa traffic sa intersection ng Tejero.

Umabot pa sa Barangay San. Francisco, General Trias ang sasakyan ng pari.

Sa lahat ng nasabing footage ay makikita na mag isa lamang sa loob ng sasakyan si Peregrino kaya naman napakadami paring tanong ang hindi nasasagot tungkol sa kaso.

Ngunit ayon sa mga kakilala ni Peregrino ay napapansin na nila na malalim ang iniisip ng pari at nagbilin pa ito sa mga kamag-anak niya na alagaan ang kanilang negosyo.

Mapapansin din daw ang pagiging matamlay ng pari nitong mga nakaraang linggo sa hindi malaman na kadahilanan.

 

Hanggang ngayon ay hindi parin nagsasalita ang kura paroko dahil hindi pa ito pinapahintulutan ng kanyang mga doktor.

Tumanggi rin magsalita ang mga kamag-anak ni Peregrino bilang pagsunod sa alintuntunin ng Simbahan.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular