Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsPAO hiniling na mag-public apology si Raffy Tulfo: "Please spare PAO from...

PAO hiniling na mag-public apology si Raffy Tulfo: “Please spare PAO from politics!”

Hiniling ng pinuno ng Public Attorney’s Office (PAO) na si Atty. Persida Acosta ang public apology mula kay senatorial candidate Raffy Tulfo dahil sa mga pahayag ng mamamahayag laban sa ahensya nila.

Matatandaan na nitong Abril 1 ay binatikos ni Tulfo ang PAO dahil diumano’y hindi nito ginagawa ang kanilang trabaho na pagbibigay ng legal assistance sa mahihirap.

“Kasi sa ngayon, ‘pag pumunta ka sa mga inquest proceedings mapapansin mo yung mga mahihirap wala silang representation at the PAO. The fiscal is duty bound na bilisan yung pagprocess ng proceeding,” ani Tulfo.

Hindi ito nagustuhan ng ilang abogado na nagta-trabaho para sa gobyerno kasama na si Acosta sa pahayag ni Tulfo.

Hiling ni Acosta ay sana’y wag ng gamitin pa ni Tulfo ang PAO sa kanyang pamumulitika.

“Mr. T please spare PAO from politics,” pakiusap ni Acosta.

“Sa totoo po nasaktan kaming lahat. Ang laki ng ahensiyang ito nationwide aatakihin ninyo publicly,” dagdag niya pa.

Pinaalala din ni Acosta na nakikipagtulungan ang PAO sa kanyang programa na Raffy Tulfo in Action kung saan lubos na nakilala ang senatorial candidate.

Hinamon naman ni Acosta si Tulfo na maglabas ng ebidensya na hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho.

“Where is your basis? Nasaan ang ebidensya mo? Sinong kliyente ang pinabayaan ng PAO,” sabi pa ng abogada.

Ibinahagi din ng pinuno ng PAO na 85,533 na kliyente ang kanilang natulungan.

Hiniling naman ni Acosta kay Tulfo na pangalanan ang mga abogado nila sa PAO na hindi ginagawa ang trabaho nila.

“Isumbong mo sa akin dahil ako po ang tamang tao, modesty aside, na may disciplining authority dahil ako po ang kanilang appointing authority hindi po ikaw,” sabi pa niya.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Tulfo sa banat sa kanya ni Acosta.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular