Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesOPM band na Truefaith, apat na beses tinanggihan ang kampo ni BBM...

OPM band na Truefaith, apat na beses tinanggihan ang kampo ni BBM na gusto silang pakantahin

Hindi lang isa, kundi apat na beses diumanong tinanggihan ng OPM band na Truefaith ang kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gustong gusto silang pakantahin para sa UniTeam.

Ito ang pahayag ni Medwin Marfil, lead singer at founder ng nasabing banda matapos maglabas ng paglilinaw ang komedyante na si Eric Nicolas na kumambyo sa kanyang pahayag na itinuturing niyang trabaho ang pagpe-perform sa UniTeam.

READ MORE: Eric Nicolas, inamin na “trabaho” lamang ang pagpe-perform sa BBM-Sara rally: “Para mapakain ang pamilya ko”

Ayon kasi kay Marfil ay ilang beses daw silang inalok ng pera ng kampo ni BBM para kumanta sa mga campaign rally ng UniTeam kahit na matagal na silang nagpakita ng suporta kay Robredo.

“Kahit na nag-declare na kami na #KakamPink ang #Truefaith we’re still being offered to play sa for Baby M. When we were in Borongan, our manager got a call asking if we’d play for Unitik-tik. Pang 4 na ata na offer yun. We refused, of course. May bayad powh.” kwento ni Marfil.

Noong 2016 din daw ay inalok sila ng malaking pera ng isang presidentiable na kumanta sa miting de avance nila ngunit tinanggihan nila ito dahil sa solid nga ang kanilang pagsuporta sa tambalang Mar Roxas at Leni Robredo.

“Nung 2016 in-offer kami to perform for a presidentiable’s miting de avance. It was a generous sum. I rejected it kasi kay Mar & Leni ako. I tweeted about it and got a lot of support for my decision.” pagbabahagi pa ni Marfil.

Sa ngayon ay hinihingan pa namin ng pahayag ang kampo ni Marcos kung totoo nga ba na inalok nila ng pera ang nasabing banda.

Matatandaan na sinabi noon ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa na walang binayarang mga artista ang UniTeam para mag-perform sa mga rally nila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular