Monday, October 3, 2022
HomePoliticsManny Pacquiao, inaming nakausap ang ex-driver ni De Lima: "Nag-deliver raw talaga...

Manny Pacquiao, inaming nakausap ang ex-driver ni De Lima: “Nag-deliver raw talaga siya ng pera,”

Ibinahagi ni presidential candidate at senador Manny Pacquiao na gusto niyang mapabilis ang paglilitis kay Sen. Leila de Lima na matatandaang humaharap ngayon sa patong patong na kaso dahil sa mga ginawa diumano niya noong siya’y kalihim pa lamang ng Department of Justice.

Sa round 2 ng PiliPinas Debates 2022 nitong Abril 3, sinabi ni Pacquiao na dapat daw ay pabilisin ang paglilitis kay De Lima upang mapalaya ang mga inosente na nasangkot sa nasabing kontrobersiya.

Sinabi rin ni Pacquiao na nakausap niya ang dating nobyo at driver ni De Lima na si Ronnie Dayan at inamin nito na siya nga ang taga deliver ng pera ng senadora na galing diumano sa mga iligal na aktibid.

“Nakausap ko yung partner ni Leila de Lima si Dayan at nagconfess talaga na naghatid siya ng pera. Tumanggap siya ng pera pero mahirap naman po yun kung hindi natin idadaan sa due process parang hindi natin nirerespeto yung Constitution natin,” ani Pacquiao.

“Pabilisin yung trial para makalabas na siya kung wala siyang kasalanan. Kung may kasalanan siya edi mahahatulan siya ng sistensya, yun po ang kailangan natin due process, pabilisin dahil tumatagal lang dyan nakabinbin lang hindi naman nareresolba yung problema,” dagdag niya pa.

Tila hindi naman nagustuhan ni De Lima ang nasabing pahayag ni Pacquiao.

“Naniwala ka ba agad basta sinabi lang sayo? Did you ever give me the benefit of being asked my side also? If not, what is the point of mentioning an unfounded accusation during a presidential debate? Yan ba ang due process as you know it?” ani De Lima sa kanyang Twitter post.

Hindi pa nagbibigay ng tugon si Pacquiao sa tweet sa kanya ni De Lima.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular