Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesPokwang, may mensahe sa paparating na eleksyon: "Wag tayong patapangan at pataasan...

Pokwang, may mensahe sa paparating na eleksyon: “Wag tayong patapangan at pataasan ng ihi!”

May hugot ang komedyante na si Marietta Subong o mas kilalang bilang si ‘Pokwang’ para sa parating na eleksyon.

Sa kanyang tweet, hinimok ni Pokwang ang mga followers niya na tigilan na ang pagyayabang pagdating sa pagsuporta nila sa kanilang mga manok sa darating na halalan.

Dapat daw ay seryosohin na ng mga tao ang darating na halalan dahil nakasalalay ang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon kung sino ang mananalo sa eleksyon.

“Wag tayong magpayabangan ng suporta sa bawat kandidato natin, wag tayong patapangan at pataasan ng ihi Hindi ito contest!seryosohin natin ito!” ani Pokwang.

“ELEKSYON!nakasalalay kinabukasan ng ating mga anak at apo dito! Wag mo ibenta ang prinsipyo at dangal ng pamilya mo.” dagdag niya pa.

Si Pokwang ang isa sa mga pinaka-aktibong artista na tagasuporta ni presidential candidate Vice President Leni Robredo sa social media.

Matatandaan na ipinagmalaki pa nito noong nakaraang buwan ang dami ng pumuntang supporters ni Robredo sa campaign rally nila sa Pasig City.

Sinabihan din nito ang kanyang mga followers na hindi siya takot mabawasan ng fans dahil sa kanyang ipinaglalabang kandidato.

“Goodmorning…. gusto ko lang malaman nyong mga nag babanta mag unfollow sakin hahahaa,” ani Pokwang nitong Marso 24.

“Go ahead di po ako takot mawalan ng followers! takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para saking mga anak at magiging apo,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay mayroong 2.6-M followers si Pokwang sa Twitter pa lang.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular