Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaPari na nawala ng dalawang araw, nakitang buhay ngunit nakagapos sa loob...

Pari na nawala ng dalawang araw, nakitang buhay ngunit nakagapos sa loob ng sasakyan

Matapos ang dalawang araw na paghahanap ay matagumpay na natagpuan ng mga pulis ang nawawalang kura-paroko ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Most Holy Rosary-Reina de Caracol ng Rosario, Cavite na si Rev. Fr. Leoben Peregrino.

Sa ulat na inilabas ng Rosario Municipal Police Station, matagumpay nilang natagpuan si Peregrino sa Silang, Cavite,

Kagulat gulat ang kalagayan ng pari ng matagpuan ng mga otoridad dahil nakatali ito sa loob ng kanyang mismong sariling sasakyan at makikitang nanghihina.

Matatandaan na bago ito mawala ay nakita pa itong pumunta patungong Imus, Cavite upang bumili ng kandila, ngunit nitong April 1 ay idineklara na itong nawawala.

Anim na taon ng nagsisilbi sa Perigrino sa nasabing simbahan sa Rosario.

Sa ngayon ay nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa Sta. Rosa Laguna ang pari na hindi parin makausap ngayon dahil sa kasalukuyan niyang kalagayan.

Hindi pa malaman kung ano ang motibo ng mga suspek sa pari.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular