Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaMigz Zubiri, tinawag na 'malisyoso' ang pagpapakalat ng video ng hindi pagtaas...

Migz Zubiri, tinawag na ‘malisyoso’ ang pagpapakalat ng video ng hindi pagtaas ni BBM sa kamay ni Jose Zubiri

Tinawag na ‘malisyoso’ ni Senador Migz Zubiri ang kumakalat na video kung saan ay makikita ang ama niya na si Bukidnon Governor Jose Maria Zubiri Jr. na sinusubukan abutin ang kamay ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa nasabing video na kumakalat sa social media na kuha noong campaign rally ng UniTeam sa Bukidnon ay makikita ang nakatatandang Zubiri na sinusubukan abutin ang kamay ni Marcos upang sana’y mataas ito ng presidential candidate.

Ngunit mapapansin na inilayo ni Marcos ang kanyang kamay kay Zubiri ng dalawang beses.

Matagumpay namang naitaas ni Gov. Zubiri ang kamay ni Marcos matapos itong gabayan ni Senador Migz.

Sa kanyang Facebook post ay ipinaliwanag ni Sen. Zubiri na ‘miscommunication’ ang nangyari sa pagitan ng kanyang ama at ni Marcos.

Naniniwala ang senador na ipinakalat ang nasabing video upang palabasin na nagkakaroon ng problema sa pagitan ng mga miyembro ng UniTeam.

“The truth is it’s just a simple miscommunication between my Father and BBM on the sequence of events, which is that, after BBM speaks, he was supposed to wave the flag and then raise the hand of the local parties. Which he did, after he waved the flag. Obviously there is a malicious intent to create intrigue by only showing that particular portion of the video and omitting totally the second portion of that sequence of events.” ani Zubiri.

“For us in Bukidnon, it’s not an issue at all and as a matter of fact we are still in disbelief at the amount of people who turned up for that Grand Rally. Close to one hundred thousand people came to listen to the UniTeam candidates. I believe that should be highlighted and not every little thing that happens on stage. Let’s not make a big thing out of nothing. Peace everyone.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular