Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesMelai Cantiveros, inamin na hindi natulong sa gastusin sa tuition fee ng...

Melai Cantiveros, inamin na hindi natulong sa gastusin sa tuition fee ng kamag-anak niya: “Anak mo yan!”

Inamin ng komedyante na si Melai Cantiveros na kahit na matagumpay ang kanyang career sa showbusiness ay hindi niya tinutulungan ang kanyang mga kamag-anak pagdating sa usapin sa tuition fee.

Sa panayam sa kanya, sinabi niya na ilang beses niya ng tinanggihan ang kanyang mga pinsan na humihingi ng pera sa kanya para sana sa tuition fee ng kanilang mga anak.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, ‘Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” ani Melai.

“Pagresponsibidad niyo, responsibilidad niyo yan. Kasi pinasok niyo yan. Hindi pwedeng ako ang magbabayad niyan,” dagdag niya pa.

Kakaiba ang nasabing paraan ni Melai dahil kilala ang mga Pilipinong magkakamag-anak sa pagtutulungan pagdating sa edukasyon.

Inamin naman ni Melai na tinuruan siya ng kanyang mga magulang na maging responsable sa sarili nilang buhay at huwag aasa sa kanilang mga kamag anak o kakilala na mayroong pera.

“Kami, bata pa lang kami, tinuruan na kami na huwag umasa. The best yung maging breadwinner. Pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin.” kwento ni Melai.

“Kunyari sinabi ng pamilya ko tuition fee, [sasabihin ko] ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga,” dagdag niya pa.

Lalo pang naging maingat si Melai pagdating sa kanyang gastusin ng siya ay magpamilya na.

“This time na nag-asawa na ako nanagkaron na kami ng anak nagbago na. Nakita ko na kung ano yung ikabubuti para sa mga anak namin doon kami. May mga investment, may mga ipon. Hindi ako maluho,” pagbabahagi pa ng komedyante.

“Kontento ako sa buhay ko. Mga anak ko nagpakontento sa akin. Kung anong kasiyahan ng mga anak ko, ‘yon rin ang kasiyahan ko,” dagdag niya pa.

Hindi naman daw niya nakakalimutan ang mga kamag-anak niya tuwing sila ay mamamasyal o magbabakasyon.

Umabot na ng libo libong views ang nasabing panayam kay Melai ng aktor na si Enchong Dee.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular