Monday, October 3, 2022
HomeCelebritiesJam Magno, may tanong kay Greta: “How did you afford things in...

Jam Magno, may tanong kay Greta: “How did you afford things in your life?”

Ilang kilalang personalidad sa internet ang binatikos si Gretchen Barretto matapos nitong maglabas ng mga akusasyon laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Isa na dito ay si Jam Magno na naglabas ng maanghang na mensahe laban sa partner ng bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco.

Sa kanyang video na ibinahagi sa Facebook, inamin ni Magno na talagang pinainit ni Gretchen ang kanyang ulo.

Ayon kay Magno ay hindi naman tinanong noong ng publiko si Barretto kung bakit tila mas dumidikit na ang dating aktres sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang imbis na sa kanyang partner na si Cojuangco.

READ MORE: Gretchen Barretto, duda kung paano nakuha ni Sen. Bato ang kanyang relos: “Saan kaya nanggaling yan?

“Hoy, mars, hindi ka namin tinanong kung bakit, noong unang gising ko, ibang rich kid ang boyfriend mo, ngayon biglang si Atong Ang na? Hahaha,” ani Magno.

Ibinahagi din ni Magno ang mga naabot ni dela Rosa upang ipaalam kay Barretto na hindi basta basta ang senador.

“You didnt even spend time to research his history as a PMA cadet, as a police officer and a senator who won Filipino votes as Top 5 in the last elections. Tapos ngayon tatanungin mo kung paano niya na-afford ‘yung relo?” sabi ni Magno.

Tinanong din nito ang dating aktres kung saan siya kumukuha ng panggastos para sa mga mamahalin niyang gamit.

“Bakit ikaw, Gretchen, how did you afford things in your life? Should I ask who or how?” sabi pa ng influencer.

Kasalukuyang hindi makita ng publiko ang Instagram ni Barretto kaya naman hindi malaman kung may sagot na ito sa mga banat sa kanya ni Magno.

Matatandaan na sinabi noon ni Barretto na dapat ay hndi na iboto ng tao si dela Rosa dahil sa istilo nito ng pagtatanong at dapat mga abogado na lamang ang ihalal ng mga tao.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular