Friday, September 30, 2022
HomeUncategorizedHindi kinaya! Gretchen Barretto isinara ang Instagram sa publiko matapos akusahan si...

Hindi kinaya! Gretchen Barretto isinara ang Instagram sa publiko matapos akusahan si Sen. Dela Rosa

Isinara ng dating aktres na si Gretchen Barretto ang kanyang Instagram page sa publiko ilang araw matapos niyang batikusin si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.

Makikita na kapag binisita ang Instagram ni Gretchen na @gretchen_barretto ay hindi na ito mapasok ng mga netizen.

Hindi naman malaman kung isinara na nga bang tuluyan ng partner ng bilyonaryong si Tonyboy Cojuangco ang kanyang Instagram matapos siyang ulanin ng batikos.

Matatandaan na nangunguna si Dela Rosa sa pag-iimbestiga sa negosyo na pinasok ni Gretchen at ng kanyang “business partner” na si Charlie “Atong” Ang.

Pinuna ni Gretchen ang soot soot na relo ng senador at sinabi din na dapat ay hindi na iboto ng mga tao ang mga klase ni Dela Rosa.

Sinagot naman ng senador si Gretchen at sinabi na hindi kamahalan ang kanyang relo.

Sinabi naman ni Gretchen na handa siyang maglabas ng ebidensya laban kay Dela Rosa na hanggang ngayon ay hindi niya ipinapakita.

“I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela rosa . In front of media.” ani Gretchen.

“time and place. Hurry [please]” dagdag niya pa.

Sinabi naman ni dela Rosa na hindi niya na lamang papansinin ang dating aktres matapos siyang pagsabihan ng mga anak niya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular