Wednesday, October 5, 2022
HomePoliticsDepEd, pinuna ang kampo ni Robredo matapos nilang gamitin ang kanta para...

DepEd, pinuna ang kampo ni Robredo matapos nilang gamitin ang kanta para sa mga ‘frontliners’ ng walag permiso

Tinawag ng Department of Education (DepEd) ang pansin ng kampo ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo matapos gamitin ng kandidato ang kanta na nilikha para sa mga frontliners ng walang permiso.

Sa kanilang pahayag, sinabi ng DepEd na ginamit ng grupong ‘Nueva Ecija Doctors for Leni’ ang kantang “Dakila Ka, Bayani ka” na isinulat para sa mga frontliners sa political video ni Robredo.

Ang nasabing awitin ay kinanta ni Martin Nievera, Michael V, Carol Banawa, TJ Monterde, Sassa Dagdag at iba pang artist para sana parangalan ang mga frontliners na nagbuwis ng kanilang buhay upang pagsilbihan ang bayan sa gitna ng pandemya.

Isinulat ni Arnie Mendaros at Albert Tamayo ang nasabing awitin. Kasali rin si DepEd Secretary Leonor Briones sa nasabing kanta.

“While we respect the political choice of the medical personnel featured in the video, we are appalled that the people behind the production of the said video did not even practice due diligence in securing permission first from the artists who graciously lent their time and talent for the song,” ani Education Undersecretary Alain Del Pascua.

Ayon sa kanila ay gagawa sila ng legal na aksyon laban sa nasa likod ng music video.

“We shall seek legal actions on this negligence from the erring production team as we remind the public to keep non-political materials away from the messy side of the election campaign season.” sabi pa ni Pascua.

Sa ngayon ay binura na ng grupong Robredo People’s Council Hope and Beyond Nueva Ecija ang nasabing video.

 

Wala pang pahayag ang mismong kampo ni Robredo sa aksyon ng DepEd laban sa kanila.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular