Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaCBCP head Pablo Virgilio David, hindi nagustuhan ang ginawa sa rebulto ni...

CBCP head Pablo Virgilio David, hindi nagustuhan ang ginawa sa rebulto ni Ninoy sa Tarlac

Hindi nagustuhan ni Catholic Bishop Conference of the Philippines president Bishop Pablo Virgilio David ang ginawa ng mga organizer ng UniTeam rally sa Tarlac City sa estatwa ni dating Senador Ninoy Aquino.

Matatandaan na ilang larawan ang kumalat sa social media kung saan makikita ang estatwa ng dating Senador sa Tarlac Plazuela na tinakpan ng tent.

Sa kanyang Facebook post, hindi napigilan ni David na madismaya sa nangyari dahil tila hindi na nirespeto ang dating senador na itinuturing na bayani ng ilang mga Pilipino.

“If this is how we treat the memory of a man whose death helped save our country from the long dark years of tyranny and dictatorship, and whose blood watered the seeds of aspiration for the restoration of our freedom and democracy, then it must be said that he was wrong in believing that “The Filipino is worth dying for.”,” ani David.

Sinabi din nito na walang mapupuntahan ang bansa kung ang mga Pilipino ay itinuturing na bayani ang mga kalaban, habang kalaban naman ang turing sa mga totoong bayani.

“A nation that treats its villains like heroes and its heroes like villains has nowhere to go but down the drain. It will be treated with contempt by the community of nations that used to be inspired by the fabled nobility of its citizens now gone.” sabi pa niya.

Si Aquino ang isa sa mga pinakamahigpit na karibal ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na ama ng tumatakbo ngayon sa pagkapangulo na si Bongbong Marcos.

Kaya naman di maiwasan ng mga netizen na mapaisip kung sinadya ba talaga ng kampo ni Marcos na takpan ang estatwa ng dating senador habang isinasagawa nila ang rally sa nasabing lugar.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamilya Aquino sa ginawa sa estatwa ng dating senador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular