Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesHerbert Bautista sinagot si Kris Aquino: Pakakasalanan ko na sana, yun nga...

Herbert Bautista sinagot si Kris Aquino: Pakakasalanan ko na sana, yun nga lang tinatakan ako ng “ex”

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang senatorial candidate na si Herbert Bautista matapos siyang banatan ni Kris Aquino sa isang campaign rally.

Sa pagbisita ni Herbert sa Tarlac ay sinabi niya na nahanap niya na sana sa nasabing probinsya ang babae na papakasalanan niya na posibleng si Kris.

Ngunit ayon sa kanya ay tinatakan na daw siya ng nasabing babae bilang “ex”.

“Actually natagpuan ko na ‘yung babaeng pakakasalan ko sa Tarlac, kaya lang tinatakan niya ako ng ‘ex’. Pero di ko alam kung ako ‘yun, baka ibang tao naman po ‘yun di ba?” ani Herbert.

Hindi naman daw nawala ang pagmamahal at respeto ni Herbert kay Kris bilang kaibigan.

“Pero seriously, ito na lang ang aking message sa kanya: Malaki ang respeto ko sa pamilya mo at saka sayo. At ang aking pagmamahal sayo bilang kaibigan ay hindi na mawawala,” mensahe ng dating aktor.

“So pagaling ka, kain ka marami,” dagdag niya pa.

Matatandaan na humaharap ngayon sa problema sa kalusugan si Kris at umabot na sa punto na kailangan nitong magpagamot sa abroad.

Ngunit nang malaman nito na may grand rally si presidential candidate Leni Robredo sa Tarlac ay pumunta parin ito at nagpakita ng suporta sa pambato ng oposisyon.

Dito na sinabi ni Kris ang kanyang pambabatikos kay Herbert.

“Gel, pinapatamaan mo yata ako diyan. Aray… Sinabi mo ‘yung may karelasyon. ‘D ba ‘yung isa nasa Uniteam?! ‘Yung Ex?. Oh huwag niyong iboto ‘yun ha.” ani Kris.

“Sayang ang boto dahil hindi marunong tumupad sa mga ipinangako. Deadma please.” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang Queen of all Media sa sinabi ni Herbert sa kanya.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular