Friday, September 30, 2022
HomeSocial MediaDelivery rider na hinuli dahil sa pagbabanta kay BBM, maling tao ayon...

Delivery rider na hinuli dahil sa pagbabanta kay BBM, maling tao ayon sa ilang netizens

Humihingi ng tulong ngayon ang mga kamag anak ng nahuling delivery rider na si Michael Go dahil sa naniniwala sila na inosente ito at hindi siya ang taong nagbanta kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Elaine Go, kapatid ng nahuling delivery rider ang sama ng loob niya dahil sa kumalat na ang mukha ni Michael sa social media kahit na hindi pa napapatunayan na siya nga ang nagbanta kay Marcos.

Ibinahagi ni Elaine ang mga ebidensya na magpapatunay na hindi ang kapatid niya ang nagbanta kay BBM.

Isa na dito ay ang pagpo-post ng Twitter account na @activistblogger kahit na nasa kustodiya na ng mga otoridad ang kapatid niya.

Malayong malayo din daw ang mukha ng kanyang kapatid sa tunay na Michael Go.

Ipinakita din ni Elaine ang tunay na account ni @activistblogger sa Facebook at mapapansin na magkapareho nga ang mga litrato na gamit ng nasabing Facebook user at ng suspek.

Matapos mag viral ang post ni Elaine ay nagpalit na bigla ng profile picture at pangalan ang nasabing Michael Go sa Facebook.

Mapapansin na halos magkapareho nga ang ginagamit na larawan ni Mike Go at ni @activistblogger.

Makikita rin sa deleted Twitter account nito na namumundok ang suspek habang ang Mike Go sa Facebook ay nagpakilalang mountaineer at “human rights advocate”.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang QCPD kung sablay nga ba ang hinuli nilang tao.

Matatandaan na hinuli ang nasabing delivery rider nitong Abril 1 at sa panayam sa kanya ng media ay sinabi niya na hindi siya ang may-ari ng nasabing Twitter account.

READ MORE: Delivery rider na nagbanta sa buhay ni Bongbong Marcos, himas rehas matapos mahuli ng otoridad

“Hindi po aking account iyan kasi wala po akong Twitter account at yung FB account ko naman po ay hindi Michael Go kundi binaliktad kong pangalan na Leahcim Og,” ani Go.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular