Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesBituin Escalante, tinawag na 'kahangalan' ang pagtatakip ng monumento ni Ninoy sa...

Bituin Escalante, tinawag na ‘kahangalan’ ang pagtatakip ng monumento ni Ninoy sa BBM-Sara rally

Hindi nagustuhan ng singer na si Bituin Escalante ang ginawang pagtatakip sa estatwa ni dating Senador Ninoy Aquino sa plaza ng Tarlac City kung saan ginanap ang rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng Inquirer, makikita na natakpan ng tent ang estatwa ng dating senador na kilalang mahigpit na karibal ng ama ni BBM na si dating pangulong Ferdinand Marcos.

Tinawag ni Escalante na “kahangalan” ang ginawa ng mga organizer ng nasabing rally.

“Ano na namang kahangalan ito? Ganyan talaga asal ninyo?” ani Escalante.

Hindi rin nagustuhan ng ilang followers ni Escalante ang ginawa sa estatwa ni Aquino.

“Nananadya! Wala talagang moral values yang mga yan, kahit sino pa yan, kahit hindi yan si Ninoy, hindi ganyan dapat ang ginagawa nila. Sana mga kakampink sa Tarlac, hindi nila hinayaan.” sabi ni @topdaddysj1

Ngunit may ilang netizens ang sinabi na estatwa lang naman daw ni Aquino ang natakpan.

“Lahat na lang eh no. Pinupuna nyo basta sa kampo ni BBM. Pero ung supporters ni VP Leni na nambato ng flyers at nag saboy ng tubig kay BBM habang nsa caravan, pinuna nyo ba? Pinagsabihan nyo ba? Hindi db. Bagkus, kinunsinte nyo pa. Sino ang walang moral values,” depensa ni @antondrebel.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang pamilya Aquino sa nangyari.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular