Monday, October 3, 2022
HomePoliticsApollo Quiboloy kay Manny Pacquiao: "Ang laki na ng sign. Hindi ka...

Apollo Quiboloy kay Manny Pacquiao: “Ang laki na ng sign. Hindi ka umaangat sa survey!”

Sinabi ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder Pastor Apollo Quiboloy kay presidential candidate Manny Pacquiao na marami ng ‘sign’ ang ipinakita sa pambansang kamao para umatras ito sa kanyang kandidatura.

Sa kanyang pahayag, binigyan ng payo ni Quiboloy si Pacquiao na ang kanyang mababang rating sa survey ay isa sa mga ‘sign’ na kailangan na nitong umatras sa pagtakbo.

Matatandaan na sinabi ni Pacquiao na aatras lamang siya sa pagtakbo kung may ibibigay sa kanyang sign ang Panginoon.

READ MORE: Pacquiao, sinabi na aatras lamang siya sa isang kondisyon: “Pag may instruction ang panginoon sa akin,”

“Maghihintay ka ng sign? Sign na ano? Para umatras ka? Ang laki ng sign. Hindi ka umaangat sa survey. Ang laki ng sign. Ano pang hinihintay mo? Mula sa kanya eh yan ang sign na binigay sa iyo kung yan ang hinihintay mo,” sabi ni Quiboloy.

Naniniwala rin si Quiboloy na hindi magbibigay ang Panginoon ng sign kay Pacquiao dahil sa hindi naman nangingialam ang Diyos pagdating sa ambisyon ng ilan sa politika.

“Huwag mo na idamay ang Panginoon Diyos. Mali yun. Baka magalit pa lalo ang Panginoon Diyos sa iyo nyan,” sabi pa ni Quiboloy.

Hinimok din ng kontrobersyal na pastor si Pacquiao na huwag gamitin ang pangalan ng Panginoon.

“Meron lang akong unsolicited advice kay Senator Manny Pacquiao: please, huwag mong gamitin ang Pangalan ng Panginoon. Unang-una, hindi naman siya ang nagpatakbo saiyo, eh. Ang nagpatakbo sa iyo ang ambisyon mo at marahil yung mga kapartido mo tulad nila Senator Koko Pimentel. Yan ang nagpatakbo sa iyo hindi ang Panginoon Diyos.….wala kang koneksyon sa Kanya, alam ko yun, eh.….hindi siya nagpatakbo sa iyo kaya huwag ka na maghintay ng sign mula sa Kanya.” ani Quiboloy.

Wala pang sagot si Pacquiao sa sinabi sa kanya ng pastor.

Matatandaan na kinasuhan ni Pacquiao si Quiboloy dahil sa mga sinabi ng Pastor laban sa kanya.

 

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular