Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAna Jalandoni, ibinahagi ang kwento ng kanyang pagpapakasal sa politiko na-link narin...

Ana Jalandoni, ibinahagi ang kwento ng kanyang pagpapakasal sa politiko na-link narin noon kay Kris Aquino

Sa unang pagkakataon ay ikinuwento ni Ana Jalandoni ang kanyang nakaraan kasama na dito ang pagpapakasal niya sa lalaki na na-link narin noon sa Queen of all Media na si Kris Aquino.

Ayon kay Jalandoni ay ang asawa niya na si Renan Morales na pinakasalan niya sa Amerika noong 2017 ang isa sa mga pinagseselosan na tao ng kanyang dating nobyo na si Kit Thompson.

Ana Jalandoni, kasama ang kanyang pinakasalang lalaki

Si Morales ay isang professional racer at politiko sa San Antonio, Nueva Ecija na na-link noon kay Kris matapos siyang magpadala ng lobo at bulaklak sa Queen of all Media nitong 2017.

Hindi rin naging maganda ang naging relasyon nila ni Aquino dahil diumano’y ginagamit niya lamang ang television host para sa kanyang pamumulitika.

Matatandaan na hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon ni Jalandoni at Thompson dahil sa pananakit na ginawa ng aktor sa kanya noong sila’y namalagi sa hotel sa Tagaytay City.

Ayon sa aktres na una niyang nakita ang problema sa ugali ni Thompson noong pinagusapan nila ang kanilang mga naging ex.

Nabanggit ni Jalandoni ang ex niya na si Morales at doon na daw nag umpisa na magbago ang mood ni Thompson.

“Kapag hindi niya nagustuhan ang sinabi mo, nagagalit siya nang mabilis.” ani Jalandoni.

Giit naman ni Jalandoni ay noong 2018 palang ay hiwalay na sila ni Morales at biglaan lamang talaga ang kasal nila.

“Hindi talaga siya sinet na kasal sa Amerika. It’s a surprise wedding. Nandoon kami for vacation and then sabi niya, ‘Pakakasalan na kita.’ Kinabukasan, ikinasal na kami. Nung kinasal kami, mahal ko siya, pero kasi meron na kaming issues, e.” kwento ni Jalandoni sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

“Gusto ko nang umalis sa kanya. Gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya, and he knows that,” dagdag niya pa.

Wala pang pahayag si Morales kung ano na nga ba ang plano niya kay Jalandoni.

Matatandaan na may ilang balita na gustong makipagbalikan ng politiko sa aktres at nalaman daw ito ni Thompson.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular