Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesAi-Ai delas Alas, nagpakita ng kanyang suporta sa UniTeam matapos itanggi na...

Ai-Ai delas Alas, nagpakita ng kanyang suporta sa UniTeam matapos itanggi na isa siyang Kakampink

Sa unang pagkakataon ay ibinunyag ni Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas na siya ay tagasuporta ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sara Duterte.

Nitong Miting de Avance ng UniTeam para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) nitong Abril 1 ay makikita si delas Alas na nagbibigay ng mensahe sa mga tagasuporta ng BBM-Sara tndem.

Sa kanyang mensahe ay sinabi niya na maliban sa pagiging tagasuporta ng nasabing tambalan ay malapit din sa puso niya ang mga OFW. Tinawag niya rin ang kanyang sarili na “pusong OFW” dahil sa kapag pumupunta siya sa abroad para magperform ay nararamdaman niya ang mga nangungulilang kababayan niya na piniling magtraaho sa ibang bansa.

Kaya ako po, alam ko po ang inyong pakiramdam kung gaano ba kalungkot na mawalay sa ating pamilya para mabigyan lang sila ng magandang kinabukasan,” sabi ng kapuso comedian sa nasabing video.

Tayo ay Pilipino, taas-noo kahit kanino. Maraming-maraming salamat po. Ito po si Ai-Ai delas Alas para sa UniTeam,” dagdag niya pa.

Matatandaan na nag viral sa social media ang post ni delas Alas matapos niyang itinanggi na sumusuporta siya kay VP Leni Robredo.

“Utang na loob NANAHIMIK AKO wag nyo akong masali sali sa mga ganito .. tahimik buhay ko .. lahat na lang .. huy !!!!,” ani delas Alas..

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular