Wednesday, October 5, 2022
HomeCelebritiesMocha Uson, pinaalala sa mga netizens ang sinabi ni Duterte kay BBM:...

Mocha Uson, pinaalala sa mga netizens ang sinabi ni Duterte kay BBM: “Si BBM ay weak, spoiled”

Sinagot ni Mother for Change (MOCHA) Party-list first nominee Mocha Uson ang mga pambabatikos na natanggap niya mula sa mga netizens matapos niyang ipakita ang kanyang suporta kay presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso.

Sa kanyang TikTok video, ipinaalala ni Uson ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa nangunguna ngayong kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sinusuportahan ngayon ng karamihan sa mga ‘DDS’ o ‘yung mga tagasuporta ng kasalukuyang presidente.

READ MORE: Pangulong Duterte hindi makikipag alyansa kay Bongbong Marcos: “Hindi ako bilib . He is a weak leader.”

Ayon kay Uson ay mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na magiging mahinang lider si Marcos at bilang isang tagasuporta ng presidente ay pinaniniwalaan niya lamang ang sinabi nito.

“Balimbing daw ako. Unang-una, ako po ay DDS, Rodrigo Roa Duterte Die-hard Supporter, at ako ay naniwala at nagtitiwala kay Pangulong Duterte, at sinabi niya na si BBM ay weak, spoiled, at may bagahe. Bakit ko hindi paniniwalaan si PRRD sa kanyang sinabi?” ani Uson.

“Ano pa ang ginagawa niyo diyan?” tanong pa nito.

 

@mochausonofficialBalimbing daw ako???♬ original sound – mochauson

Matatandaan na ikinagulat ng mga netizens ang pagsuporta ni Uson kay Moreno kahit na nagkaroon na ng alitan ang dalawa noon.

“Kaya po ako nandito ngayon ay dahil nag switch to Isko na rin po ako.” sabi ng dating government official sa rally ni Moreno sa Cavite.

“Dahil po alam niyo ba mayor, taga Maynila ako? Binoto kita. Alam niyo po, nakita ko po yung bilis kilos. Yung iba po pinapangako pa lang nila. Nagawa na po yan ni Mayor Isko.” dagdag niya pa.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular