Monday, September 26, 2022
HomePoliticsIsko Moreno sa posibleng pagiging pangulo ni Bongbong Marcos: "Kawawa ang bansa,...

Isko Moreno sa posibleng pagiging pangulo ni Bongbong Marcos: “Kawawa ang bansa, kawawa ang Pilipino”

Naniniwala si presidential candidate at Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso na magiging kaawa-awa ang kalagayan ng Pilipinas kung mahahalal ang kanyang katunggali na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkapangulo.

Ito’y dahil sa P203-B na estate tax na hindi pa nababayaran ng pamilya Marcos na maaring hindi na masingil kung sakali na maluklok sa pinakamataas na posisyon si Bongbong.

“Kapag nanalo sila, good luck. Kawawa ang bansa, kawawa ang Pilipino,” ani Moreno.

“Hindi mo kailangang maging abogado para maintindihan mo na ‘yung P203 billion mawawalang parang bula kapag sila na ang naupo,” dagdag niya pa.

Matatandaan na kinumpirma na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na mayroon ngang utang na 203 billion pesos ang pamilya Marcos.

Hindi rin pinalampas ni yorme ang pagpapabaya ng pamilya Marcos sa industriya ng bawang sa Ilocos.

“Malaking pamilya din ang namahala sa Ilocos. O ‘yun ding pamilya na ‘yun ang nagpabaya sa mga farmers ng bawang,” sabi ng alkalde.

“Pinabayaan ng gobyerno doon yung industriya o farming ng bawang kaya ang kinakain nating bawang ay puro imported,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Marcos sa mga paratang laban sa kanila ni Moreno na pumapangalawa at pangatlo sa ilang mga survey.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular