Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesEric Nicolas, inamin na “trabaho” lamang ang pagpe-perform sa BBM-Sara rally: “Para...

Eric Nicolas, inamin na “trabaho” lamang ang pagpe-perform sa BBM-Sara rally: “Para mapakain ang pamilya ko”

Inamin ng komedyante na si Eric Nicolas na itinuturing niyang ‘trabaho’ ang pagdalo sa mga rally ng tambalang Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte.

Sa kanyang ngayo’y burado ng social media post ni Nicolas ay sinabi niya na kailangan niyang mapakain ang kanyang pamilya kaya naman tinanggap niya ang alok na magperform para sa nasabing mga kandidato.

“Walang masamang tinapay para sa akin… Trabaho po para mapakain ang pamilya ko. Minsan lang to at hindi na ako bumabata. Mabuhay ang lahat,” ani Nicolas.

Sinabi din ni Nicolas sa isang komento na kahit si “hudas” daw ay kaya niyang “iboto” kung ang kapalit naman nito ay mapapakain niya ang pamilya niya.

“Tama po kayo mahigpit ang pangangailangan ko. Kahit si Hudas iboboto ko mabuhay lang ang pamilya ko,” sabi ng komedyante.

Hindi naman nito nilinaw kung ang tambalang BBM-Sara ba ang binabangit niyang hudas.

Pinuri naman ng talent manager na si Ogie Diaz ang pagiging totoo ni Nicolas sa kanyang sarili.

Matatandaan na isa si Ogie sa mga nagbigay ng reaksyon sa sinabi ni Elizabeth Oropesa na walang binayaran sa mga artista na dumadalo sa rally ni BBM-Sara.

Ngunit sa kanyang pinakabagong post ay tila binawi ni Nicolas ang kanyang sinabi.

Performance ni Eric Nicolas para sa BBM-Sara.

“Bilang paglilinaw, ako po ay nasa sirkulo ng BBM Sara UniTeam! Ako po ay sumusuporta at nagtatrabaho rin sa kanila ng walang bayad at tumatanaw ng utang na loob sa ginawa nilang pagtulong sa amin ng maospital ang aking asawa at kapos sa pangangailangan nung nakaraang pandemya,” ani Nicolas.

“Ibig sabihin ay wala pang eleksyon ay bayad na nila ng kabutihan ang lahat ng ginagawa ko ngayon,” dagdag pa ng komedyante.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular