Wednesday, October 5, 2022
HomeSocial MediaDelivery rider na nagbanta sa buhay ni Bongbong Marcos, himas rehas matapos...

Delivery rider na nagbanta sa buhay ni Bongbong Marcos, himas rehas matapos mahuli ng otoridad

Arestado ng mga otoridad ang isang delivery rider na diumano’y nagbanta sa buhay ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na nitong Marso 15 ay nag tweet ang suspek na si Michael Go gamit ang kanyang twitter page na @activistblogger kung saan ay sinabi niya na dapat ay mag ingat si Marcos sa pagdaan sa Tandang Sora, Quezon City.

Pag dumaan daw kasi sa nasabing lugar si Marcos ay mababaril daw ni Go ang dating senador.

“I was blocked by Marcos Jr in 2016. Paki sabi mag ingat siya sa Tandang Sora QC. Pag dumaan siya dun babarilin ko siya.” ani Go.

“Di ako takot makulong. Hindi rin ako takot mamatay. Isang malaking karangalan [na] ipaghigante [ang] mga kasama ko [na] aktibista biktima ng karahasan [noong] panahon ng martial law.” dagdag niya pa.

Tweet mula kay Michael Go (@activistblogger)

Dahil dito ay nagsampa ng reklamo ang kampo ni Marcos laban kay Go na nagresulta sa pagkahuli sa delivery rider.

Itinanggi naman ni Go na siya ang may-ari ng nasabing Twitter account.

“Hindi po aking account iyan kasi wala po akong Twitter account at yung FB account ko naman po ay hindi Michael Go kundi binaliktad kong pangalan na Leahcim Og,” ani Go.

Ngunit ayon naman sa QCPD ay kumpirmado na si Go nga ang may ari ng nasabing Twitter account.

“Bale po kasi may post siya naka-confine raw siya sa isang hospital kaya nang i-check namin, positive siya si Michael Go,” ayon sa QCPD.

Sa ngayon ay inihahanda na ang mga kasong isasampa laban kay Go na ngayon ay hawak na ng mga otoridad.

Samantala ay pinuri naman ng kampo ni Marcos ang QCPD dahil sa mabilis nilang pag aksyon laban kay Go.

“As much as we are trying to elevate our campaign to the highest possible level, there are still some groups and individuals who could not seem to accept our call for unity. We take these threats very seriously because we know that there are some groups who could be out to bring him harm just to stop him from winning the presidency,” sabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular