Friday, September 30, 2022
HomePoliticsChanning Tatum yarn? Konsehal, binatikos dahil sa pagkandong nito sa mga babae...

Channing Tatum yarn? Konsehal, binatikos dahil sa pagkandong nito sa mga babae na dumalo sa campaign rally

Hindi makapaniwala ang mga netizens matapos nilang mapanood ang isang kandidato sa Cabuyao, Laguna na nag ala Channing Tatum upang ligawan ang mga botante sa kanilang lugar.

Sa isang post ng Facebook page na “Marites ng Calamba”, makikita ang isang footage kung saan makikita ang isang politiko na kumakanta habang kumakandong sa mga kababaihan na dumalo sa isang campaign rally.

Ang politiko ay nakilalang si Cabuyao, Laguna Councilor Tutti Caringal na tumatakbo muli sa parehong posisyon para sa 2022.

Sa nasabing video ay maririnig si Caringal na kumakanta habang papalapit sa isang babae na nakaupo.

Bigla na lamang itong umupo sa nasabing babae at tinanggal ang kanyang face mask na maaring paglabag sa panuntunan ng DOH.

Matapos nito ay lumipat naman si Caringal sa ibang babae at kumandong muli.

Tuwang tuwa naman ang mga manonood sa ginawang performance ng kanilang konsehal.

Ngunit hindi lahat ng netizen ay natuwa sa ginawa ni Caringal dahil tila ginawa nitong katatawanan ang kampanya.

“Ang daming bata na nakakita ng nagaganap. Isipin din natin ang mga bata, kung tama bang ganito ang nakikita nila sa mga leader na mas higit sanang nakakaunawa ng ikabbuuti ng kabataan,” ani Korin Galang.

“Susmiyo. Ano kaya feeling ng asawa ni ateng?” tanong ni madel Caig.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang konsehal sa pambabatikos na natanggap niya.

Mayroon ng mahigit 35,000 views ang nasabing video.

 

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular