Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesSen. Dela Rosa, inamin na pinagsabihan siya ng mga anak matapos patulan...

Sen. Dela Rosa, inamin na pinagsabihan siya ng mga anak matapos patulan si Gretchen Barretto

Inamin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na hindi nagustuhan ng kanyang mga anak ang ginawa niyang pagpatol sa dating aktres partner na si Gretchen Barretto.

Sa kanyang talumpati sa Marcos-Duterte UniTeam rally sa Bukidnon nitong Huwebes, sinabi ni Dela Rosa na pinagsabihan siya ng dalawa niyang anak na babae tungkol sa sagutan nila ni Barretto.

Hindi nagustuhan ng kanyang mga anak ang pagpatol niya kay Barretto na isang babae.

“Bayaan mo na yun alam mo pinagalitan ako ng mga anak ko na babae bakit daw ako pumapatol sa babae kaya hindi na ko pagpatol whatever she says pabayaan mo na lang siya. Hindi na ko pagpatol otherwise hindi na ko makapasok sa bahay magagalit sakin mga anak ko,” ani Dela Rosa.

Itinanggi rin nito ang mga alegasyon ni Barretto na siya ay nagsusugal.

Hinimok rin niya ang mga miyembro ng kapulisan na huwag na huwag magsasabong o kung pilitin man nila ay umalis na lamang sila sa kanilang serbisyo.

“Pag pulis ka tapos nalulong ka sa sabong at na involve ka sa kalokohan you don’t deserve to where the uniform. Wag mo dumihan ang uniporme…. At wag mo gamitin ung tsapa mo at uniporme mo sa kalokohan yun ang ma-advise ko sa kanila.” sabi ng dating pinuno ng PNP.

Matatandaan na pinuna ni Barretto ang relo ni Dela Rosa na siyang nangunguna ngayon sa imbestigasyon ng senado laban sa nasabing sugal.

Ngunit ayon sa senador ay hindi naman mamahalin ang relos na soot niya.

“Unang-una sinabi niya mahal daw ang relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng 85,000 na halaga ng relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga ‘yun para sakin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila ‘yun,” ani Dela Rosa.

“Tapos sasabihin pa na mayroon daw akong utang sa.. sabi niya may balance daw ako? Papano ako magkaka-balance? Never akong nagsugal. Never akong nagsasabong. Never in my life. Kahit once na, nag-bet ako sa sabong, hindi nangyari sa buhay ko yan.” sabi pa ng senador. dagdag niya pa.

Handa naman daw maglabas ng ebidensya si Barretto laban sa senador.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular