Wednesday, October 5, 2022
HomeUncategorizedNetizen, ikinumpara ang Davao City sa North Korea at Russia: "Parang may...

Netizen, ikinumpara ang Davao City sa North Korea at Russia: “Parang may engkwentro palagi”

Isang netizen ang naging usap usapan ngayon sa social media dahil sa kakaiba niyang pagsasalarawan sa Davao City.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Fritzie Bayrante (@FritzieBayrante) na noong siya’y pumunta sa Davao City ay kakaiba daw ang kanyang naging karanasan at masasabi na negatibo ang kanyang pagtingin sa nasabing siyudad.

Ikinumpara pa nito ang siyudad na maituturing na isa sa mga pinakamaunlad sa Pilipinas sa bansang North Korea at Russia.

Ikinuwento din nito ang tila ibang trato sa mga Muslim sa Davao.

“I’ve been to Davao City. Ramdam ko yung tension, mahirap ipaliwanag. Siguro ganun ang feeling kapag nakarating ako ng North Korea or Russia. Parang may engkwentro palagi na mangyayari.” ani Bayrante.

“Tapos yung mga Muslim area, segregated sa non-Muslim. And mas maraming sundalo at pulis sa Muslim area,” dagdag niya pa.

Hindi naman napigilan ng ilang netizen na mapataas ng kilay kasama na si Philippine Information Agency Director General Mon Cualoping na tubong Davao City.

Matapos mag viral ang kanyang tweet ay humingi naman ng tawad si Bayrante sa mga taga Davao na hindi nagustuhan ang kanyang sinabi.

Ngunit ayon sa kanya ay personal na karanasan niya lamang ang kanyang ikinukwento.

“Sa mga na-offend sa sinabi ko about my experience in Davao City, I apologize for that. It was a personal experience, doesn’t mean it’s the same for everyone, pro-Leni or not.” sabi pa niya.

Binatikos din nito ang mga ‘troll’ na pilit sinasabi na imbento lamang ang kanyang kwento.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong shares sa social media ang mga screenshot ng post ni Bayrante.

Wala pang pahayag ang Davao City Government sa sinabi ng netizen.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular