Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesLacson, maanghang ang sagot kay Atienza na gusto siyang paatrasin sa pagtakbo:...

Lacson, maanghang ang sagot kay Atienza na gusto siyang paatrasin sa pagtakbo: “That’s kabastusan”

Maanghang ang mga naging sagot ni presidential candidate Sen. Panfilo “Ping” Lacson kay vice presidential bet Rep. Lito Atienza matapos himukin siyang himukin ng kongresista na umatras na sa pagtakbo sa pagkapangulo.

Sa kanyang pahayag, halata ang pagkagalit ni Lacson sa sinabi ni Atienza na dapat na siyang umatras dahil sa mababa niyang rating sa mga survey.

Ayon kay Atienza ay dapat itong mag aral ng GMRC upang matutunan na rumespeto sa kapwa niya kandidato.

“That’s kabastusan to say the least. For somebody like him na mas matanda pa sa akin na magsasabing mag-backout ang isang kandidato without even consulting, that’s insulting,” ani Lacson sa isang press conference sa Zamboanga del Norte.

“I reject his call. For the nth time, I’ll finish this race and I’m not backing out. I would suggest that Lito Atienza should go back to school and study GMRC (good manners and right conduct) which law I authored. Who is he to tell me to withdraw?” dagdag niya pa.

Matatandaan na plano ni Atienza na umatras sa pagtakbo sa pagkabise presidente upang suportahan na lamang ang ka-tandem ni Lacson na si Senate Presidente Tito Sotto.

Gusto naman ni Atienza na magsanib pwersa ang kanyang ka-tandem na si presidential candidate Manny Pacquiao at Sotto para tapatan ang tambalang BBM-Sara kaya naman hiling niya na sana’y umatras na lamang si Lacson.

“I am praying and hoping that Ping [would back out]. He already knows the realities of his political position. I hope he backs out, too, and that could change the whole structure that could completely demolish the Bongbong-Sara tandem,” sabi ni Atienza.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular