Friday, September 30, 2022
HomeCelebritiesJohn Lapus, tinawag na 'demonyo' si senatorial candidate Rodante Marcoleta

John Lapus, tinawag na ‘demonyo’ si senatorial candidate Rodante Marcoleta

Hindi nakapagpigil ang television host na si John Lapus matapos nitong mabasa ang pahayag ni senatorial candidate at SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta tungkol sa ABS-CBN.

Matatandaan na inamin ni Marcoleta sa kanyang talumpati na sadya niya talagang ipinasara ang ABS-CBN.

Ayon kay Marcoleta ay ipinasara niya ang nasabing network para sa kapakanan ng taumbayan.

“Ang ABS-CBN mayaman din naman. Pinakamalaking network sa ating bansa. Makapangyarihan. Kaya niyang ibagsak pati political career ng isang kandidato. Pero hindi po tayo natakot sapagkat ang gusto natin walang lalabag sa batas. Igalang niya ‘yong karapatan ng bawat isang Pilipino,” ani Marcoleta.

“Hindi po tayo natatakot. Isinara ko po ang ABS-CBN dahil sa inyo. Ngaoyn pa ba ako matatakot, kasama ko na si Bongbong Marcos. Ngayon pa ba ako matatakot, kasama ko na si Inday Duterte,” dagdag pa niya.

May maiksi namang mensahe si John Lapus na isa sa mga kilalang tagasuporta ng ABS-cBN kay Marcoleta.

“Demonyo!” ani Lapus.

Sa ngayon ay hindi pa sumasagot ang mambabatas sa banat sa kanya ni Lapus.

Isa si Marcoleta sa mga mambabatas na ginisa ang ABS-CBN sa mga isyu na kinakaharap nito kasama na dito ang diumano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis ng nasabing kumpanya at ang mga ginawa nitong hindi makatarungang pagtrato sa mga manggagawa nila.

Dahil dito ay hindi ibinigay ng kongreso ang karagdagang 25 na taong prangkisa sa ABS-CBN.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular