Monday, September 26, 2022
HomeCelebritiesGusto kitang sampalin! Walden Bello, gustong mag ala 'Will Smith' kay Bongbong...

Gusto kitang sampalin! Walden Bello, gustong mag ala ‘Will Smith’ kay Bongbong Marcos

Tila na ‘inspire’ si vice presidential candidate Walden Bello matapos niyang mapanood ang usap-usapang pananampal ng aktor na si Will Smith sa komedyante na si Chris Rock sa ginanap na 94th Academy Awards.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Bello na maari niyang gayahin ang ginawa ni Smith kay Rock kung mkikita niya sa personal si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“What Will Smith did to Chris Rock I would be tempted to do to Marcos Junior and his fat cheek. The difference between Will and me is I have greater self control, though I must confess that I would not know what I’d do if Marcos Junior were truly within slapping distance.” ani Bello.

Kilalang kritiko ng mga Marcos at Duterte si Bello.

Ilang beses din itong naglabas ng maanghang na pahayag laban kay Marcos.

Isa sa mga pinakabago nitong pahayag ay ang paghimok niya sa Commission on Elections (COMELEC) na bigyan ng mas mabigat na parusa ang tambalang Marcos-Duterte dahil sa hindi nila pagdalo sa mga debate.

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular