Monday, October 3, 2022
HomeUncategorizedDela Rosa sinagot si Gretchen: "Siya lang ba ang may karapatan magsuot...

Dela Rosa sinagot si Gretchen: “Siya lang ba ang may karapatan magsuot ng mahal na relo?”

Hindi na nakapagtimpi pa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at sinagot na ang mga akusasyon laban sa kanya ni Gretchen Barretto.

Matatandaan na pinuna ni Gretchen ang diumano’y mamahaling relo na soot ni Dela Rosa na isang retiradong heneral ng Philippine National Police (PNP).

Pero ayon sa panayam sa kanya ng SMNI News, hindi naman daw masyadong mataas ang presyo ng relo niya.

“Unang-una sinabi niya mahal daw ang relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng 85,000 na halaga ng relo? Bakit hindi pala ako pwede? Mahal talaga ‘yun para sakin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila ‘yun,” ani Dela Rosa.

Itinanggi rin ni Dela Rosa na mayroon siyang utang sa sabong katulad ng akusasyon ni Barretto.

“Tapos sasabihin pa na mayroon daw akong utang sa.. sabi niya may balance daw ako? Papano ako magkaka-balance? Never akong nagsugal. Never akong nagsasabong. Never in my life. Kahit once na, nag-bet ako sa sabong, hindi nangyari sa buhay ko yan.” sabi pa ng senador.

Hindi rin daw ugali ni Dela Rosa ang mag ‘grandstand’ katulad ng sinasabi ni Barretto.

Naiintindihan naman daw kung bakit siya pinupuntirya ni Barretto na matatandaan na isa sa mga partner ni Charlie “Atong” Ang sa online sabong na kumikita ng bilyon bilyong piso mula sa mga nalululong sa sugal kada buwan.

Si Dela Rosa ang nangunguna ngayon sa imbestigasyon ng online sabong sa bansa at hiniling din nito sa pangulo na i-suspende muna ang nasabing sugal na diumano’y sumisira sa kabuhayan ng maraming Pilipino.

“You cannot attack person through issues, you attack him through his character, so character assasination ‘yung ginagawa nila.” ani Bato. “Character assasination ang ginagawa nila sakin, para lang to get back with me. Dahil hirap pa sila sa mga issues na kinaroroonan nila,”

Facebook Comments
RELATED ARTICLES

Most Popular